Hirit na itigil ang ban sa driver-only vehicle sa EDSA kailangang talakayin ng Metro Manila Council

By Donabelle Dominguez-Cargullo August 16, 2018 - 09:37 AM

Tatalakayin ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa Metro Manila Council (MMC) ang resolusyon ng senado na humihiling na itigil nila ang pagpapatupad ng ban sa mga driver-only vehicles sa EDSA.

Ayon kay MMDA General Manager Jojo Garcia, hindi pa nila natatanggap sa ngayon ang kopya ng resolusyon ng senado.

Sa sandali aniyang makuha nila ang kopya, kailangang mag-convene ng Metro Manila Council na binubuo ng mga alkalde sa Metro Manila dahil sila ang mga “final say” kung ititigil o itutuloy ang pagpapatupad ng bagong traffic scheme.

Sinabi ni Garcia na ipinatupad ang High Occupancy Vehicle Policy sa EDSA batay sa resolusyong ipinasa ng Metro Manila Council kaya ang resolusyon lamang din mula dito ang makapagbabawi ng polisiya.

Ang HOV scheme ay sumasailalim sa isang linggong dry run at target na pormal na maipatupad sa August 23.

Sa ilalim ng bagong traffic scheme, bawal dumaan sa EDSA ang mga sasakyan na driver lang ang sakay mula alas 7:00 hanggang alas 10:00 ng umaga at alas 6:00 hanggang alas 9:00 ng gabi, mula Lunes hanggang Biyernes.

TAGS: driver-only vehicles, edsa, High Occupancy Vehicle, mmda, driver-only vehicles, edsa, High Occupancy Vehicle, mmda

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.