Naga City bilang “hotbed” umano ng ilegal na droga iniimbestigahan na

May ginagawa ng imbestigasyon ngayon ang mga otoridad kaugnay sa naging pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na ‘hotbed’ ang Naga City na kilalang balwarte ni Vice President Leni Robredo.

Sa punong balitaan sa Malakanyang sinabi ni Department of Interior and Local Government (DILG) officer in charge Eduardo Año na marami ng impormasyon na natanggap ang kanilang hanay na malala ang drug trafficking at operation sa Naga maging sa bahagi ng Cebu.

Marami anya rito ay mula sa reports ng mga barangay at police operations sa lugar.

Nanindigan si Año na kayang linisin ang bansa sa iligal na droga sa loob ng termino ni Pangulong Duterte.

Taliwas ito sa sinabi ng pangulo na hindi niya kayang tuparin ang kanyang pangako noong panahon ng kampanya na tatapusin ang problema sa iligal na droga at maging sa korapsyon.

Read more...