Phivolcs pinawi ang pangamba ng tsunami matapos ang magnitude 6.5 na lindol sa Alaska
Pinawi ng Phivolcs ang pangamba na magdudulot ng tsunami sa baybayin ng Pilipinas ang malakas na lindol na tumama sa isla sa Alaska.
Ayon sa Phivolcs ang lindol na may lakas na magnitude 6.5 ay tumama sa Andreanof Islands at Aleutian Islands sa Alaska, alas 5:57 ng umaga ng Huwebes (Aug. 16) oras sa Pilipinas.
Sinabi ng Phivolce na wala silang nakitang banta ng destructive tsunami saanmang bahagi ng mga baybayin ng Pilipinas.
Unang itinala ng US Geological Survey ang naturang lindol sa lakas na magnitude 6.6.
Ayon sa USGS tumama ito sa 41 kilometers south ng Tanaga Volcano sa Alaska.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.