Pilipinas handa nang makaharap ang Kazakhstan sa Asian Games

By Justinne Punsalang August 16, 2018 - 12:03 AM

Contributed photo

Hindi alintana ng koponan ng Pilipinas na kulang ang kanilang preparation time para sa kanilang tapatan ng Kazakhstan para sa 2018 Asian Games.

Ngayong araw ng Huwebes, August 16 sa ganap na alas-11 ng umaga sa Pilipinas magaganap ang laban.

Kumpyansa rin si head coach Yeng Guiao na magiging maganda ang performance ng koponan bagaman hindi makakadalo sa laro ang Fil-Am Cleveland Cavaliers player na si Jordan Clarkson.

Matapos ang practice ng national team sa Gor Lokasari gym ay sinabi ni Guiao na para sa kanya ay handa na ang koponan para sa opening game.

Aniya pa, lahat ng miyembro ng koponan, maging ang mga coaching staff ay nagtutulong-tulong upang maging handa ang bawat isang manlalaro.

Sa ngayon ay nasa biyahe na si Clarkson mula Los Angeles, California at inaasahang darating sa Jakarta, Indonesia sa kalagitnaan ng laro.

Maglalaro naman ang NBA star sa August 21 para sa tapatan ng Pilipinas at China.

Samantala, dahil pasok na sa national team si Clarkson ay tuluyan nang nasipa sa lineup si Don Trollano.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.