Isang mambabatas hinamon ang MMDA na linisin muna ang sariling hanay para maayos ang traffic
Kasunod ng pagbabawal ng driver-only ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa EDSA tuwing rush hour ay hinamon ni Buhay partylist Representative Lito Atienza si MMDA Chairman Danilo Lim na alisin muna ang kurapsyon sa kanilang ahensya.
Ayon kay Atienza, dapat na resolbahin ang problema sa traffic tulad ng mga corrupt na traffic enforcers, kawalan ng maayos na traffic signs, at mga alanganing pagtatayo ng bus terminals.
Kung masosolusyunan ito, tiyak na 50% ang iluluwag ng problema sa traffic.
Iginiit nito na dapat tanggapin ng MMDA na ang solusyon para sa matinding traffic ay magsisimula at responsibilidad ng ahensya.
Sinabi ng kongresista na ang sambayanan ang ginagawang responsable ng MMDA sa trapik gayung ang ahensya naman aniya ang guilty rito.
Nawawala na rin aniya ang sense of priority at fairness ng MMDA dahil marami ang mga maaapektuhan ng “driver-only ban” sa EDSA.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.