Pangulong Duterte nakipagkita sa Qatari PM
Nakipagpulong si Pangulong Rodrigo Duterte at ilang miyembro ng kanyang gabinete kay Qatar Prime Minister Abdullah bin Nasser bin Khalifa Al Thani at Foreign Minister Mohammed bin Abdulrahman Al Thani.
Kasama ng emir ng Qatar ang iba pa niyang mga top officials.
Napag-usapan ng mga lider ang tungkol sa panukalang pagkakaroon ng Joint Committee Meeting ukol sa mga usaping labor; mga investment opportunities sa dalawang bansa; maging ang regional issues na nagaganap sa bahagi ng Persian Gulf.
Tinalakay din sa pulong ang iba pang mga paraan upang mapagtibay ang relasyon ng dalawang bansa.
Nauna nang sinabi ng Malacañan na nakatakdang magkaroon ng state visit sa bansa si Al Thani bago matapos ang kasalukuyang taon.
Samantala, binisita naman na ni Pangulong Duterte ang Qatar nang magtungo ito sa Middle East noong April 2017.
Ang Qatar ang isa sa mga export market ng Pilipinas at ito ay lugar din kung saan nasa 255,000 na mga Pilipino ang nagtatrabaho bilang nurse at service worker.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.