Sen. Escudero ‘flattered’ sa pahayag ni Duterte na siya ang nais nitong pumalit sa pwesto
‘Nakakataba ng puso’.
Ganito ang naramdaman ni Sen. Francis ‘Chiz’ Escudero matapos sabihin ni Pangulong Rodrigo Duterte na siya o si dating Sen. Bongbong Marcos ang nais niyang pumalit sa kanyang pwesto.
Sa panayam ng mga mamamahayag bagaman sinabi ng senador na siya ay natutuwa, iginiit nito na anumang pagkilos para siya ay ipalit sa pwesto ng hindi naaayon sa Saligang Batas ay ‘iligal’.
Ayon pa kay Escudero, mismong ang pangulo ay aminado na walang ligal na pamamaraan para maisakatuparan ang kanyang inihayag.
Sinabi ng senador na anumang usapin sa labas ng Konstitusyon ay walang patutunguhan.
Ayon pa kay Escudero, maaaring sinabi lamang ito ni Duterte dahil sa pagkadismaya sa bagal nang usad ng mga nais isakatuparan ng pangulo sa bansa partikular sa usapin ng korapsyon at kapayapaan.
Noong Martes ay sinabi rin ng pangulo sa isang talumpati na may plano siyang bumaba sa pwesto ngunit hindi gusto niya gusto si Vice President Leni Robredo na humalili sa kanya sa posisyon.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.