Duterte sa isyu sa ABS-CBN: ‘Let it pass’

By Rhommel Balasbas August 16, 2018 - 01:08 AM

Handa si Pangulong Rodrigo Duterte na palampasin na ang kanyang isyu sa ABS-CBN ngunit sinabing lubha siyang nasaktan sa mga ikinilos ng network laban sa kanya.

Sa isang dinner sa Malacañang para sa Kapisanan ng mga Brodkaster ng Pilipinas (KBP), bagaman nasaktan ng network ay nasanay na anya siya rito.

“That was really hurting. Kaya minsan I blurt it out but I have learned to live with it actually. Kung minsan mag-init lang ang ulo ko,” ayon sa pangulo.

Tinutukoy ng pangulo ang hindi pagsasa-ere ng network ng kanyang political advertisement sa kasagsagan noong 2016 presidential elections.

Sinabayan pa anya ito ng pagpapalabas ng propaganda o advertisement na binayaran ni Sen. Antonio Trillanes na may mga bata na ginamit laban sa kanya.

Ayon pa sa pangulo, hindi siya hihingi ng paumanhin sa ABS-CBN ngunit kailangan anya siyang maintindihan sa kanyang mga ipinahahayag.

“I will not say I am sorry but you should understand me. ‘Yung placement ko na hindi natuloy, tapos nababoy pa ako.,” ani Duterte.

Hinimok naman ni Duterte ang lahat na magkaintindihan na lamang at iginiit ang sitas sa bibliya tungkol sa kung sinuman ang walang kasalanan ay siya ang unang bumato.

“But let’s just understand each other, and let it pass. I said because let no man with no sin cast the first stone,” dagdag ni Duterte.

Matatandaang kamakailan ay ipinahayag din ng presidente na kung siya lang ang magdedesisyon ay hindi niya papayagan ang renewal ng franchise ng ABS-CBN na mage-expire na sa 2020.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.