Secretary Duque iginiit na malusog si Pangulong Duterte

By Rhommel Balasbas August 16, 2018 - 02:25 AM

Tiniyak ni Department of Health Sec. Francisco Duque III sa publiko na nasa maayos na kalusugan si Pangulong Rodrigo Duterte.

Sa panayam ng mga mamamahayag sa Malacañang, sinabi ni Duque na masigla, buhay na buhay at aktibo ang pangulo sa tuwing siya ay dadalo sa pulong ng gabinete.

Hindi anya nito maisasalarawan na may problema sa kalusugan si Duterte.

Iginiit ng kalihim na kung titingnan ay parang mas nanghihina pa ang ilang miyembro ng gabinete kumpara sa pangulo na tuwid na tuwid ang tayo at masiglang-masigla kapag nagsasalita at nagbibigay ng utos.

Makailang beses na pinag-usapan ang kalusugan ng pangulo matapos umaming may Buerger’s disease at Barrett’s esophagus.

Matapos nito ay sumailalim pa ang pangulo sa isang medical check up si Duterte bago ang kanyang ikatlong State of the Nation Address noong July 23.

Gayunman ay pinabulaanan ng Palasyo ng Malacañang ang mga ispekulasyon at sinabing maayos ang kalusugan ng pangulo.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.