Año itinanggi ang posibilidad ng martial law
Walang nakikitang posibilidad sa anumang military junta o martial law si Department of the Interior and Local Government (DILG) officer-in-charge Eduardo Año.
Ito ang naging pahayag ng opisyal matapos sabihin ni Pangulong Rodrigo Duterte na mas gugustuhin pa niyang magkaroon ng martial law matapos ang kanyang termino kaysa si Vice President Leni Robredo ang pumalit sa kanya.
Paglilinaw ni Año, wala namang anumang nagaganap sa bansa na kakailanganin ng kontrol ng militar sa pamahalaan.
Ayon pa kay Año, kuntento ang Armed Forces of the Philippines (AFP) at Philippine National Police (PNP) sa pamamalakad ni Pangulong Duterte sa bansa, lalo na’t tinaasan pa nito ang buwanang sweldo ng mga sundalo at pulis at nagpahayag ng patuloy na suporta para sa mga ito.
Hinimok pa ng opisyal ang pangulo na tapusin ang kanyang termino dahil marami pa aniyang trabaho na kailangang gawin.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.