Lumusob ang mahigit 20 nanay ng Sitio San Roque sa tanggapan ng National Housing Authority (NHA) sa Elliptical Road, Quezon City para ikondena ang ahensya sa pagbabawal na ayusin ang kanilang bahay na nasa lote ng pagmamay-ari ng Ayala Corporation.
Ayon sa nanay na si Estrelita Bagasbat, hindi sila pinapayagan na maayos ang kanilang mga bahay na may butas-butas na bubong at wala na ring dingding.
Dahil dito, ilan sa residente ay ang namatay dahil sa Dengue at Leptospirosis.
Ayaw naman ng grupo ni Bagasbat na kunin ang alok ng NHA na pabahay dahil umano karamihan sa pabahay ng NHA sa Rodriguez, Rizal ay lumulubog sa baha.
Narito ang report ni Jong Manlapaz:
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.