Bagong tampered-proof ICC stickers ilulunsad ng DTI

ICC-seal
DTI website

Sa susunod na linggo ay ilulunsad ng Department of Trade and Industry ang bagong Import Commodity Clearance (ICC) stickers para sa mga produktong nakapasa sa Philippine Standards.

Sa panayam ng Radyo Inquirer, sinabi ni DTI Usec. Vic Dimagiba na tampered-proof ang nasabing sticker na magbibigay ng katiyakan sa publiko ng mga de-kalidad na product.

Ayon kay Dimagiba, “may hologram ang bago nating gagamitin nating stickers para hindi na mapeke tulad ng ginagawa sa kasalukuyan”.

Ipinaliwanag din ni Dimagiba na kailangang muling magpa-suri ng mga manufacturers ng kanilang mga produkto para makapag-isyu sila sa mga ito ng mga bagong stickers.

“Simula sa susunod na linggo ay muli kaming mag-iikot sa mga pamilihan para suyurin ang mga produktong walang ICC stickers, kukumpiskahin at sisirain naman ang mga produktong hindi dumaan sa aming pagsusuri”, dagdag pa ni Dimagiba.

Kabilang sa mga produktong kanilang tututukan ay ang mga Christmas lights at iba pang mga gift items na karaniwang inilulusot sa mga pamilihan tuwing sumasapit ang panahon ng kapaskuhan.

Read more...