Alert Level sa Mt. Bulusan, tinanggal na

Phivolcs File Photo

Tinanggal na ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) ang alert level sa Mt. Bulusan.

Mula alert level 1 ay zero o wala ng alerto sa Bulkang Bulusan dahil sa pagbaba ng insidente ng aktibidad nito.

Nakasaad sa Phivolcs bulletin na bumalik na sa baseline o background levels ang observational parameters at wala na ring nakitang magmatic eruption.

Dagdag ng ahensya, bumalik na sa normal ang bulkan mula ng magkaroon ito ng phreatic eruption noong June 25, 2017.

Sa kabila naman ng pagtanggal ng alert level, mahigpit pa ring ipinagbabawal ng Phivolcs ang pagpasok ng mga tao sa 4-kilometer radius Permanent Danger Zone.

Pinayuhan din ang mga piloto na huwag masyadong magpalipad ng eroplano sa summit ng Bulusan dahil mapanganib ang anumang biglaang phreatic eruption.

Read more...