Pipelaying ng Manila Water sa EDSA, itutuloy; Higit 93,000 customers, mawawalan ng tubig
Matutuloy na ang pipelaying at interconnection activities ng Manila Water sa southbound lane ng EDSA at Shaw Boulevard.
Base sa abiso ng Manila Water, magkakaroon ng pansamantalang water interruption sa 33 barangay sa mga lungsod ng Mandaluyong, Pasig, Quezon at San Juan.
Sa Mandaluyong, narito ang listahan ng mga apektadong barangay:
– Wack-Wack
– Mauway
– Addition Hills
– Highway Hills
– Malamig
– Buwayang Bato
– Barangka Ilaya
– Barangka Itaas
– Barangka Ibaba
– Barangka Drive
– Plainview
– Pleasant Hills
– Hulo
Sa San Juan naman, apektado rin ang mga barangay:
– Greenhills
– Addition Hills
– Little Baguio
– Pasadena
– Corazon de Jesus
– West Crame
Sa Pasig:
– Ugong
– Oranbo
– Pineda
– Bagong Ilog
– Kapitolyo
– San Antonio
Sa Quezon City:
– Kaunlaran
– Bagong Lipunan
– Horseshoe
– Valencia
– Immaculate Conception
– San Martin de Porres
– Ugong Norte
– Pinagkaisahan
Pinapayuhan ang mga residente ng mga maapektuhang lugar na mag-ipon ng sapat na tubig para sa kanilang mga pangangailangan.
Pansamantalang mawawala ang suplay ng tubig mula 7:00 ng gabi bukas, August 16, hanggang 9:00 ng umaga, araw ng Biyernes, August 17.
Bunga nito, aabot sa 93,237 na kabahayan at establismento ang maapektuhan.
Bunga ng aktibidad, magkakarooon din ng pagbabago sa daloy ng sasakyan sa service road bagamat ang mga motorista na patungo sa Shaw Boulevard ay maaring kumanan sa Star Mall.
Isasara din ang rightmost lane ng service road mula 11:00 ng gabi bukas, August 16, hanggang 4:00 ng umaga, araw ng Biyernes, August 17.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.