Kinumpirma ni Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Director General Aaron Aquino na naka-leave siya ngayon sa tabaho.
Sa mensahe ni Aquino sa Radyo Inquirer, sinabi nito na anim na buwan nang nakahanda ang pagliban niya sa trabaho.
Wala namang ibinigay na dahilan si Aquino at kung gaano katagal ang kanyang pagliban sa trabaho.
Matatandaang sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte na espekulasyon at walang lamang ilegal na droga ang sinasabing nasabat ng PDEA na P6.8 bilyong shabu shipment na nakalagay sa magnetic filters sa isang warehouse sa Cavite.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.