Gwardiya na nakabaril sa MRT, ipinagtanggol ng DOTr

By Isa Avendaño-Umali August 15, 2018 - 07:14 PM

Dumipensa ang Department of Transportation-Metro Rail Transit (DOTr MRT-3) kaugnay sa insidente ng pagkakabaril ng isang gwardiya ng MRT sa isang taong-grasa na nagkalakad sa riles, Miyerkules ng umaga.

Sa isang statement, nilinaw ng DOTr MRT-3 na hindi intensyon ng security guard na si Frederico Bustamante na patayin ang taong-grasa.

Dahil bigo raw ang warning shots para makontrol ang taong-grasa, kumilos lang umano si Bustamante upang maiwasan ring makapanakit ang taong-grasa at mahadlangan ang anumang pinsala sa mga tren.

Giit ng DOT MRT-3, walang balak si Bustamante na kitilin ang buhay ng taong-grasa na nagtamo ng mga tama ng bala sa may paa at binti.

Pagtitiyak ng ahensya sa publiko, ang kaligtasan at seguridad ng lahat ng mga pasahero ay nananatiling prayoridad nila.

Dakong 8:43 ng umaga nang mag-trespass sa MRT-3 at naglakad sa riles sa Ayala hanggang Magallanes stations ang isang nakahubong taong-grasa.

Sa initial report ng MRT-3 Safety and Security Unit, ang taong-grasa ay umakyat sa bakod sa mga interstation malapit sa Ayala Station pero nakita siya ng gwardiya kaya nagtatakbo patungong Magallanes station.

Hinabol ng tatlong gwardiya at dalawang pulis para hulihin ang taong-grasa hanggang sa ma-korner. Gayunman, nambato raw ang taong-grasa kaya napilitan si Bustamante na mag-warning shots. Pero hindi ito nakatulong kaya binaril ng nasabing gwardiya ang kaliwang binti at kanang paa ng taong-grasa.

Batay sa huling ulat, nasa Ospital ng Makati ang taong-grasa kung saan siya ginagamot habang si Bustamante ay sumuko sa pulis at dinala sa Police Community Police Station 5 sa Makati City.

Nagsasagawa na rin ng imbestigasyon ang PNP.

TAGS: DOTr MRT3, DOTr MRT3

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.