Klase sa Marikina, suspendido hanggang Biyernes

By Angellic Jordan, Isa Avendaño-Umali August 15, 2018 - 06:48 PM

Credit: Marikina PIO

Nag-anunsiyo na si Marikina Mayor Marcy Teodoro ng suspensiyon ng klase sa lungsod.

Sa abiso ng Marikina PIO, kanselado ang klase sa lahat ng antas ng mga pribado at pampublikong paaralan bukas, August 16, hanggang sa Biyernes, August 17.

Ayon kay Teodoro, ito ay dahil lubog pa rin sa putik ang mga kalsada sa lungsod, lalo na ang mga loobang bahagi nito.

Kailangan pa aniya ng mga residente ng karagdagang panahon para maisaayos ang kanilang mga tahanan.

Maliban dito, kasama ring aayusin ang mga paaralan na nagsilbing evacuation centers ng mga apektadong residente.

Nagparating naman ng pasasalamat ni Teodor sa mga kooperasyon ng mga residente at patuloy na nagpapaabot ng tulong sa lungsod.

TAGS: baha, class suspension, habagat, Marikina, Mayor Marcy Teodoro, baha, class suspension, habagat, Marikina, Mayor Marcy Teodoro

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.