Victory Liner, nagbago ng iskedyul ng biyahe dahil sa provincial bus ban sa EDSA

By Angellic Jordan August 15, 2018 - 06:37 PM

Magkakaroon ng pagbabago sa schedule ng mga biyahe ng Victory Liner sa Pasay.

Sa abiso ng naturang bus company, Ito ay kasunod ng ipatutupad ng Metropolitan Manila Development (MMDA) na implementasyon ng provincial bus ban tuwing rush hour sa EDSA.

Ayon sa bus company, mawawalan na ito ng biyahe mula Northern Luzon patungong Pasay simula 5:30 hanggang 10:00 ng umaga at 4:30 hanggang 9:00 ng gabi tuwing weekdays.

Ito ay magsisimula anila ngayong araw, August 15.

Layon anila nitong matiyak na walang Victory Liner bus na magbibiyahe sa nasabing oras.

Dahil dito, inabisuhan nito ang mga pasahero mula sa Northern Luzon na sumakay sa mga bus na may rutang Cubao at Caloocan.

Humingi naman ng paumanhin ang bus company sa publiko dahil sa pagbabago ng iskedyul ng biyahe.

TAGS: edsa, mmda, Provincial bus ban, Victory Liner, edsa, mmda, Provincial bus ban, Victory Liner

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.