ASEAN countries, pro-China na; US tinalikuran na – Duterte
Ibinunyag ni Pangulong Rodrigo Duterte na mas kinikilingan na ngayon ng mga bansang kasapi sa Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) ang China kaysa sa Amerika.
Ginawa ng pangulo ang pahayag sa launching ng “Pilipinas Angat Lahat” program kung saan dumalo sa pagtitipon si US Ambassador to the Philippines Sung Kim.
Ayon sa pangulo, wala kasing hinihinging kapalit ang China kapag nagbibigay ng tulong sa ASEAN countries.
Malayo aniya ito sa mga ayudang ibinibigay ng amerika na may kaakibat na mga kondisyon.
Una nang naglabas ng hinaing ang pangulo sa Amerika nang harangin ng dalawang US senator ang planong pagbili ng Pilipinas ng 23,000 na rifles.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.