Bilang ng HOV traffic scheme violators sa unang araw ng dry run, umabot sa 3,000
Aabot sa 2,000 motoristang “single” ang na-apprehend ng Metro Manila Development Authority (MMDA) sa unang araw ng dry run ng kontrobersyal na high-occupancy vehicle o HOV traffic scheme sa EDSA.
Ayon kay MMDA General Manager Jojo Garcia, mula kaninang umaga ay nasa 2,953 na “driver-only” ang nahuli dahil sa paglabag sa bagong traffic scheme.
Pero posibleng madagdagan ito dahil bawal muli ang “driver-only” sa EDSA sa itinakdang oras.
Batay sa MMDA regulation ukol sa HOV sa EDSA, ang mga sasakyan na tanging drayber lamang ang sakay ay bawal na dumaan sa EDSA mula 7:00 hanggang 10:00 ng umaga at 6:00 hanggang 9:00 ng gabi tuwing weekdays.
Pero dahil dry run pa lang, hindi muna pinagmumulta ang mga violator.
Nililista lang muna MMDA traffic enforcers ang plate number ng mga sasakyang lumabag sa HOV traffic scheme.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.