Palasyo, tiwalang maiuuwi ang kampeonato sa basketball sa Asian Games

By Chona Yu August 15, 2018 - 03:52 PM

Kumpiyansa ang Palasyo ng Malakanyang na malaki ang tsansa na masusungkit ang kampeonato ng Men’s Philippine Basketball Team sa Asian Games sa Palembang, Indonesia.

Ayon kay Special Assistant to the President Christopher “Bong” Go, ito ay dahil pinayagan na ng NBA team owner ng Cleveland Cavaliers si Fil-Am player Jordan Clarkson na makapaglaro na sa ilalim ng bandila ng Pilipinas.

Ayon kay Go, malaki ang pasasalamat ng Pilipinas sa NBA at team owner ng Cavaliers dahil pinayagan na makapaglaro si Clarkson.

Kasabay nito, nananawagan si Go sa sambayanan na suportahan at ipagdasal ang ating Philippine team at umaasang maiuuwi ang tagumpay at karangalan sa bansa.

Umaasa rin si Go na maliban sa basketball, marami pang ginto ang maiuuwi ng mga manlalarong Pilipino na sasabak sa iba’t ibang sports events sa Indonesia.

TAGS: Asian Games, jordan clarkson, Palasyo ng Malakanyang, SAP Bong Go, Asian Games, jordan clarkson, Palasyo ng Malakanyang, SAP Bong Go

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.