Inihayag ni Senate President Vicente “Tito” Sotto III na susuportahan nila sa Senado ang nais na cash-based 2019 national budget.
Taliwas ito sa pagmamatigas ng Kamara na obligation-based budget system kaya’t inihinto nila ang deliberasyon sa budget sa susunod na taon.
Ibinahagi ni Sotto na nagsagawa sila ng all senator caucus at iisa ang posisyon nila na mas makakabuti ang cash-based para sa tamang paggastos ng pera ng bayan.
Paliwanag pa nito, iniiwasan nila ang re-enacted budget dahil malaki ang posibilidad ng underspending sa panig ng gobyerno.
Nilinaw na Senador Loren Legarda, chair ng Senate Committee on Finance, na sa cash-based budget mas magkakaroon ng disiplina sa paggasta ang burukrasya.
Mas masisiguro din aniya na matatapos ang mga proyekto sa itinakdang panahon.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.