Sa isang advisory na ipinadala ng GRAB, pinayuhan nito ang mga rider na iwasan ang EDSA tuwing rush hours o 7 to 10 AM at 6 hangang 9 PM.
Sa ganitong paraan anya ay maiiwasan na ang paglabag ng kanilang drivers sa bagong traffic scheme.
Sinimulan na ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang trial run ng HOV scheme o single ban, kung saan ipagbabawal ang mga pribadong sasakyan na walang ibang pasahero maliban sa driver nito na dumaan sa EDSA.
Ang trial run ay isinagawa ng MMDA matapos ang isang pag-aaral na 70 percent ng mga sasakyang bumabaybay sa EDSA tuwing rush hour ay walang ibang sakay kung hindi driver lamang.
Maliban sa HOV scheme, sinimulan na din ng MMDA nitong Miyerkules ang pag ban sa provincial buses na dumaan sa EDSA tuwing rush hours.