GRAB hinimok ang mga rider na iwasang ang EDSA bilang pickup at drop-off point

By DDC, Tricia Francisco - Radyo Inquirer Intern August 15, 2018 - 12:57 PM

Hinimok ng GRAB Philippines ang mga rider nito na iwasang gamitin ang EDSA bilang pickup at drop-off points, sa gitna na rin ng pagsasagawa ng dry run para sa high occupancy vehicle scheme.

Sa isang advisory na ipinadala ng GRAB, pinayuhan nito ang mga rider na iwasan ang EDSA tuwing rush hours o 7 to 10 AM at 6 hangang 9 PM.

Sa ganitong paraan anya ay maiiwasan na ang paglabag ng kanilang drivers sa bagong traffic scheme.

Sinimulan na ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang trial run ng HOV scheme o single ban, kung saan ipagbabawal ang mga pribadong sasakyan na walang ibang pasahero maliban sa driver nito na dumaan sa EDSA.

Ang trial run ay isinagawa ng MMDA matapos ang isang pag-aaral na 70 percent ng mga sasakyang bumabaybay sa EDSA tuwing rush hour ay walang ibang sakay kung hindi driver lamang.

Maliban sa HOV scheme, sinimulan na din ng MMDA nitong Miyerkules ang pag ban sa provincial buses na dumaan sa EDSA tuwing rush hours.

 

TAGS: Dry Run, edsa, Grab, hov, Dry Run, edsa, Grab, hov

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.