Apat na drug suspects arestado sa Lucena City

Arestado sa magkakahiwalay na operasyon na ikinasa ng mga pulis sa Lucena City ang apat na drug suspects.

Kinilala ni Supt. Romulo Albacea, Lucena City police chief ang mga suspek na sina Alejandro Morales, Mark Ranuba, Paolo Danilo San Buenaventura, at Aczel Bautista Hilario.

Isinagawa ang magkakahiwalay drug buy-bust operation mula Martes ng gabi hanggang Miyerkules ng madaling araw.

Nakuha mula sa mga suspek ang hinihinalang shabu na may bigat na 8.99 grams na nagkakahalaga ng P44,950.

Read more...