1 patay, 1 sugatan sa pamamaril sa Pangasinan

By Donabelle Dominguez-Cargullo August 15, 2018 - 12:32 PM SHARE(S):

Isa ang patay at isa ang sugatan sa insidente ng pamamaril na naganap sa San Carlos City, Pangasinan.

Binaril ng hindi pa nakikilalang suspek ang 39 anyos na si Roger Masiglat isang “mango sprayer” na agad nitong ikinasawi habang sugatan naman ang 70 anyos niyang kapitbahay.

Base sa inisyal na imbestigasyon ng mga otoridad, papalabas ng kaniyang bahay si Masiglat nang biglang dumating ang gunman at saka siya pinagbabaril ng ilang ulit.

Nagawa pa ni Masiglat na makatakbo at makalapit sa bahay ng kapitbahay niya pero hinabol siya ng gunman at muling binaril.

Doon naman tinamaan ng ligaw na bala si Ernesto Gargantilla na noon ay nagpapahinga lang sa harap ng kaniyang bahay.

Ayon kay SPO1 Edwin Miranda, ang imbestigador na may hawak ng kaso, idineklarang dead on arrival sa Pangasinan Provincial Hospital si Masiglat habang ginagamot naman si Gargantilla.

Pinag-aaralan na ng mga pulis ang security camera sa lugar para makatulong sa pagtugis sa suspek.

TAGS: pangasinan, san carlos city, Shooting Incident, pangasinan, san carlos city, Shooting Incident

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.