Petisyon kontra sa Comprehensive at Framework Agreements on the Bangsamoro, ipinababasura sa Korte Suprema
Hiniling sa Korte Suprema ng peace panel ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) na ibasura ang mga petisyon na kumukwestyon sa legalidad ng Comprehensive at Framework Agreements on the Bangsamoro.
Naghain ng urgent omnibus motion for leave to intervene sa korte suprema ang isang senior member ng MILF peace panel at dating mambabatas na si Datu Michael Mastura Panurable.
Ito ay upang hilingin na katigan ng mataas na hukuman ang Framework Agreement on the Bangsamoro at ang Comprehensive Agreement on the Bangsamoro.
Sa kanyang 82 pahinang mosyon, hiniling ni Datu Mastura na ibasura dahil sa kawalan ng merito ang mga petisyon ng Philippine Constitution Association o PHILCONSA, maging ni Bayanmuna Rep. Neri Colminares at iba pa na kumukuwestyon sa legalidad ng nasabing mga kasunduan.
Iginiit din ni Mastura na dapat panatilihin ang orihinal na bersyon ng Bangsamoro Basilc Law (BBL) upang maipagpatuloy ang prosesong pangkapayapaan, at magsilbing itong transition process hanggang sa pagsasagawa ng plebisito.
Nais din ni Mastura na kilalanin ng korte suprema ang pagkakaraon ng bangsamoro self-identity ng bawat Muslim na nakabatay sa tinatawag na common and distinctive historical at cultural heritage na nakasaad sa section 15, article 10 ng saligang batas.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.