Resolusyon para sa pagpapatawag ng Constituent Assembly pinagdebatehan na sa kamara
Nagsimula ng talakayin sa plenaryo ng kamara ang resolusyon na nagpapatawag ng Constituent Assembly at hiwalay na pagboto ang senado at mababang kapulungan ng kongreso.
Sa sesyon ng kamaya tumayo si house committee on constitutional amendment chairman Vicente Veloso upang sagutin ang katanungin ni Ilocos Norte Rep. Rodolfo Farinas.
Kinuwestyon ni Farinas ang House Resolution 2056 na hindi inaprubahan ng komite ni Veloso at dumeretso kaagad sa House committee on rules at ipinadala sa plenaryo.
Iginiit ni Fariñas na dapat ay joint voting ang gawin dahil ito ang nakasaad sa Saligang Batas na kinontra naman ni Veloso.
Sinabi pa ni Farinas na kung susundin ito ay maaaring ma-hostage ang pagpasa ng pagbabago sa Konstitusyon ng 24 na senador kahit na mas marami ang mga kongresista na umaabot sa 292 ang bilang.
Noong panahon ni dating Speaker Pantaleon Alvarez, nanibdigan ito ng joint voting ng Senado at kamara sa ConAss pero separate voting ang isinusulong ni Speaker GMA.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.