Residential area sa Makati, tinupok ng apoy

Kuha ni Ricky Brozas

Tinupok ng apoy ang isang bahay sa kanto ng San Mateo at San Pablo Streets sa Poblacion, Makati City.

Nagsimula ang sunog alas 7:14 ng umaga at itinaas sa ikalawang alarma 7:30 ng umaga.

Ayon sa Makati City Fire Bureau, posibleng faulty electrical wiring ang dahilan ng apoy.

Patuloy pa ang imbestigasyon at inaalam kung magkano ang halaga ng pinsala ng sunog.

Naideklara namang fire out na ang sunog bago mag-alas 8:00 ng umaga.

Read more...