Niyanig ng magnitude 4.9 na lindol ang bayan ng Don Marcelino sa Davao Occidental.
Naitala ng Phivolcs ang pagyanig sa 8 kilometers South ng bayan ng Don Marcelino, alas 10:32 ng umaga ng Martes, October 27.
May lalim ang pagyanig na 64 kilometers at tectonic ang origin.
Naitala ang intensity 4 sa Malungon, Sarangani, Intensity 3 sa Davao City; Digos City; Padada, Davao del Sur, Alabel, Sarangani at sa General Santos City at Intensity 2 naman sa Tupi, South Cotabato.
Ayon sa Phivolcs wala namang inaasahang pinsala o aftershocks matapos ang nasabing lindol.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.