Sa isinagawang pag-atake ng mga cyber-criminal ay nakapagsagawa sila ng withdrawal transaction sa 28 mga bansa.
Nakuha rin ng mga suspek ang impormasyon ng mga kliyente ng Cosmos Bank gamit ang malware sa kanilang automated teller machine (ATM) server.
Maliban sa withdrawal sa ATMs, nagawa ding makapag-transfer ng mga suspek ng aabot sa $200,000 na halaga ng salapi at ang pera ay natukoy na inilipat sa isang kumpanya sa Hong Kong.
Hindi naman ibinigay ng Cosmos Bank kung sa anong mga bansa nangyari ang hacking habang patuloy pa ang ginagawang imbestigasyon.
MOST READ
LATEST STORIES