Jordan Clarkson excited makaraang payagang makalaro para sa Pilipinas sa Asian Games

By Donabelle Dominguez-Cargullo August 15, 2018 - 06:53 AM

Excited na ang Fil-Am na si Jordan Clarkson na makalaro para sa Pilipinas sa Asian Games.

Matapos magbago ang isip ng pamunuan ng NBA at bigyang go-signal ang kaniyang paglalaro para sa Asian Games, nag-post sa kaniyang Facebook page si Clarkson.

Sa kaniyang post sinabi ni Clarkson na masaya siya at nagpapasalamat siya sa mga taong naging dahilan para matuloy ang kaniyang paglalaro sa koponan ng Pilipinas.

“PUSO! My heart is full of gratitude for everyone who helped make this happen. See you all very soon,” ayon kay Clarkson.

Kasama din sa kaniyang psot ang larawan ng jersey na kaniyang gagamitin na isang kulay puti at isang kulay aasul.

Martes ng hapon nang ianunsyo ni Mayor Richard Gomez, na pinayagan na si Clarkson na maglaro para sa PIlipinas sa Asian Games.

TAGS: Asian Games, jordan clarkson, NBA, Radyo Inquirer, Asian Games, jordan clarkson, NBA, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.