PUBLIC SERVICE: Bahagi ng Bay, Laguna; Antipolo at Gen. Trias, Cavite mawawalan ng suplay ng kuryente

By Donabelle Dominguez-Cargullo August 15, 2018 - 06:39 AM

Mawawalan ng suplay ng kuryente ngayong araw ang bahagi ng Bay sa Laguna, Antipolo City at General Trias sa Cavite.

Sa abiso ng Meralco, mula alas 9:00 ng umaga hanggang alas 2:00 ng hapon ay magkakaroon ng power interruption sa Barangay Maitim sa Bay, Laguna.

Ililipat kasi ng Meralco ang mga pasilidad nilang naapektuhan ng bridge widening project ng Department of Public Works and Highways (DPWH) sa Jose Rizal Avenue.

Sa Antipolo City naman, alas 10:00 ng umaga hanggang alas 3:00 ng hapon mawawalan ng kuryente sa bahagi ng Barnagay San Jose.

Ito ay dahil naman sa line reconductoring work ng Meralco sa Sitio Pantay sa naturang barangay.

Samantala, alas 10:00 ng umaga hanggang alas 3:00 din ng hapon ang nakatakdang power interruption sa General Trias, Cavite.

Maapektuhan ang bahagi ng Barangay Navarro bunsod ng pagagawing paglilipad ng pasilidad sa kahabaan ng Pag Asa Street.

TAGS: Antipolo, cavite, laguna, Meralco, power interruption, radyo inquierr, Antipolo, cavite, laguna, Meralco, power interruption, radyo inquierr

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.