LPA na binabantayan ng PAGASA, nakalabas na ng PAR

Nakalabas na ng Philippine Area of Responsibility (PAR) ang isa sa dalawang LPA na binabantayan ng PAGASA sa kasalukuyan.

Sa 4am weather advisory ng weather bureau, sinabi nito na nakalabas na ng PAR ang sentro ng LPA at huling namataan sa layong 725 kilometro Hilagang-Silangan ng Bascom Batanes.

Ang dalawang bagyo at dalawang LPA sa labas ng PAR bagaman walang direktang epekto sa bansa ay patuloy na humahatak sa hanging Habagat na nagdadala ng ulan sa ilang bahagi ng bansa.

Ngayong araw, patuloy na makararanas ng malalakas na pag-uulan sa Ilocos Region, Cordillera Administrative Region, Batanes at Babuyan Group of Islands.

Sa Zambales at Bataan naman makararanas ng paminsan-minsang mga pag-uulan bunsod pa rin ng Habagat.

Ang Metro Manila at nalalabing bahagi naman ng Luzon ay makararanas na ng magandang panahon ngunit posible pa rin ang pag-ulan anumang oras dahil pa rin sa Habagat.

Maalinsangang panahon ang mararanasan sa buong Visayas at Mindanao na may posibilidad lamang ng mga pag-ulan bunsod ng localized thunderstorms.

Nakataas pa rin ang gale warning sa Northern at Western seabords ng Hilagang Luzon at western seaboards ng Central Luzon.

Ipinagbabawal ang paglalayag ng mga maliliit na sasakyang pandagat.

Read more...