Panukala ni Senador Gordon na ayusin ang PTV4 welcome kay Andanar

Welcome kay Presidential Communications Operations Office (PCOO) Secretary Martin Andanar ang lahat ng obserbasyon ni Senate Blue Ribbon Committee Chairman Richard Gordon hinggil sa mga dapat ayusin sa government television network na PTV.

Sinabi ni Andanar na nagpapasalamat siya sa mga obserbasyon.

Dagdag pa nito na handa naman niyang aksyunan ang mga kailangang reporma sa PTV na nasa ilalim ng PCOO.

Sa pagdinig ng Senado, nakuwestiyon ang ilang pinapasok na transaksyon ng PTV partikular sa ad contract na pinasok nito sa Department of Tourism (DOT) sa bloc time program ng Tulfo brothers.

Read more...