MMDA dapat palakasin ang relief and rescue ayon sa isang senador
Sinabi ni Senate President Pro Tempore Ralph Recto na ang nangyaring pagbaha sa Metro Manila ay mabigat ng dahilan para dagdagan pa ang pondo ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA).
Ayon kay Recto ang nakita niyang dapat maging prayoridad na bilihin ay mga rescue boats at hindi dapat iasa lang sa mga local governments ang pagbili nito.
Aniya maganda ang ipinapakita ni MMDA Chairman Danny Lim kaya naman nararapat lamang na bigyan pa ng karagdagang pondo ang ahensiya para mapalakas ang rapid-response nito sa tuwing my kalamidad.
Banggit pa ni Recto ang mga sinasabi niyang dapat bilihin na mga rescue boat ay maaari din magamit sa paglilinis ng mga daluyan ng tubig sa Metro Manila kahit wala baha.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.