Pangulo Duterte pinag-iingat ang mga sangay ng pamahalaan sa paglalabas ng ispekulasyon

Itinuring ni Pangulong Rodrigo Duterte na ispekulasyon lang ang sinabi ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) na nakalusot sa bansa ang P6.8 bilyong halaga ng shabu matapos madiskubre ang walang laman na magnetic lifters sa bodega sa Cavite.

Pahayag ito ng pangulo kasunod ng sinabi ni Customs Commissioner Isidro Lapeña sa pagdinig sa kamara na lumabas sa pagsusuri sa magnetic lifters na negatibo ito sa shabu residue.

Pinag-ingat ng pangulo ang lahat ng ahensya ng gobyerno sa kanilang mga pahayag at iwasan ang ispekulasyon.

Ayon sa pangulo, wala naman talagang laman na shabu ang magnetic lifters at sinabi lang ito ng PDEA dahil sa unang nasabat na shabu sa Manila International Container Port na nakalagay sa magnetic lifters.

Read more...