US nagbigay ng bagong surveillance system sa PAF
Isang bagong surveillance and reconnaissance system na nagkakahalaga ng P807 milyon ang ipinagkaloob ng Estados Unidos sa Philippine Air Force (PAF).
Ito ay bilang bahagi ng ‘commitment’ ng Estados Unidos na mapalakas ang Armed Forces of the Philippines (AFP).
Mismong si US Ambassador to the Philippine Sung Kim ang nanguna sa turn over ng Special Airborne Mission Installation and Response (SABIR) system na layong i-upgrade ang C-130 Hercules aircraft ng Air Force.
Sa pamamagitan nito ay magiging advance na ang command and control ng aircraft ng hindi nasasakripisyo ang main function nito bilang cargo plane.
Iniabot ni Sung Kim ang surveillance system kay Defense Sec. Delfin Lorenzana sa Villamor Airbase.
Ayon sa pahayag ng US Embassy, kabilang sa ayuda ang gastos sa training, installation at sustainment
Ang SABIR system ay gagamitin ng 300 Air Intelligence and Security Wing ng PAF sa Benito Ebuen Air Base sa Mactan, Cebu.
Iginiit ng US na bilang matagal na kaibigan ng Pilipinas ay patuloy nitong susuportahan ang AFP sa kanilang modernization programs, pagsugpo sa terorismo at sa paghasa sa kakayahan sa humanitarian assistance and disaster relief (HADR).
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.