Nurse arestado sa drug buy bust operation sa Quezon City

By Justinne Punsalang August 15, 2018 - 04:18 AM

Kabilang ang isang nurse sa naaresto ng mga otoridad sa ikinasang drug buy bust operation sa Barangay San Martin de Porres, Quezon City.

Nakilala ang mga suspek na sina Arnold Tabelioma, 46 na taong gulang at isang licensed nurse; Patrixia Marie Gabriel alyas Angel, 27 taong gulang na dati nang sumuko sa Oplan Tokhang ng pamahalaan; at Christine Abuda alyas Tin-Tin, 28 taong gulang na dati na ring sumuko as mga otoridad dahil sa paggamit ng ipinagbabawal na gamot.

Mismong sa bahay pa ng nurse isinagawa ang transaksyon, kung saan narekober ng mga operatiba ng Quezon City Police District (QCPD) Station 7 ang 15 piraso ng plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu.

Nabatid na magkakakuntsaba ang tatlo sa pagtitinda ng droga sa lugar.

Mahaharap ang tatlong mga suspek sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.