Jordan Clarkson pinayagan na ng NBA na maglaro para sa Gilas Pilipinas
Tuloy na ang paglalaro para sa Gilas Pilipinas ng Filipino-American NBA player na si Jordan Clarkson.
Sinabi ni Asian Games chef de mission Richard Gomez na pinagbigyan ng liderato ng NBA ang apela ng Philippine sports officials na payagan si Clarkson na mapabilang sa Gilas Pilipinas na sasabak sa 2018 Asian Games.
Nauna dito ay sinabi ng NBI na sa FIBA International lang sila may kasunduan at doon lamang nila papayagang maglaro ang kanilang mga players kahit pumayag na sa request ng Pilipinas ang team ni Clarkson na Cleveland Cavaliers.
Pinayagan rin ng NBA na maglaro para sa Chinese team sina Zhou Qi ng Houston Rockets at Ding Yanyuhang ng Dallas Mavericks.
Sinabi ni Gomez na si Clarkson rin ang magiging flag bearer ng bansa sa pagbubukas ng 2018 Asian Games sa Jakarta, Indonesia.
Pangungunahan naman ni Coach Yeng Guiao ang kampanya ng Gilas Pilipinas para sa gintong medalya sa nasabing palaro.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.