Pork barrel hindi na bubuhayin ayon sa DBM

By Den Macaranas August 14, 2018 - 04:28 PM

Inquirer photo

Nilinaw ni Budget Sec. Benjamin Diokno na hindi na ibabalik ang pork barrel system sa hanay ng mga mambabatas.

Ito ang sagot ng kalihim sa pahayag ni Sen. Ping Lacson na muling maibabalik ang pork barrel partikular na sa Kamara sa ilalim ng pamumuno ni Speaker Gloria Macapagal-Arroyo.

Nauna dito ay sinabi ni Arroyo na kahit ang mga taga-oposisyon ay mabibigyan ng kaukulang pondo sa ilalim ng kanyang liderato.

“President Duterte is not GMA. Okay? And he is very strong in [his] anti-corruption [campaign]. So the fear of Senator Lacson is misplaced,” ayon pa sa kalihim na siyang bisita sa katatapos na Meet Inquirer Multimedia forum sa Philippine Daily Inquirer Headquarters sa Makati City.

Binigyang-diin rin ng kalihim na ibinilin sa kanila ng pangulo na huwag maglaan ng kahit na kaunting pondo para sa pork ng mga mambabatas at ito ang kanilang sinusunod.

Nilinaw rin ni Diokno na hindi nila bubuhayin ng Disbursement Acceleration Program tulad ng ipinahihiwatig ng mga kritiko ng pamahalaan.

TAGS: Arroyo, DBM, diokno, duterte, pork barrel, Arroyo, DBM, diokno, duterte, pork barrel

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.