Pagharang ng Kamara sa nat’l budget kinuwestyon ng Malacañang
Palaisipan na ngayon sa Malacañang kung ano pang klaseng relasyon mayroon ngayon ang administrasyon at mayorya sa Kamara.
Pahayag ito ng palasyo matapos magpasya ang House Committee on Appropriations na itigil ang pagdinig sa 2019 proposed national budget na nagkakahalaga ng P3.757 Trillion na gagamitin sa ilalim ng cash-based budgeting.
Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, paano maipaliliwanag ngayon ng Kamara na agarang tinanggihan ang panukalang budget ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Agad namang nilinaw ni Roque na hindi naman nawawala ang suporta ng mga kaalyado ng pangulo sa kamara sa halip maaring hindi lang nagkakakintindihan.
Kasabay nito, hinamon ng palasyo ang mga kaalyadong kongresista ng pangulo na magsalita ukol sa panukalang budget.
Sa ngayon aniya, tanging sina Davao Congressman Karlo Nograles, Chairman ng Appropriations Committee at Majority Leader Rolando Andaya lamang ang tahasang pumapalag sa cash-based budgeting.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.