Pang. Duterte, biyaheng Israel at Jordan sa Setyembre
Tuloy na ang pagbiyahe ni Panguong Rodrigo Duterte sa Israel at Jordan sa susunod na buwan.
Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, magkakaroon ng official visit ang pangulo sa Sept. 2 hanggang 5 sa Israel.
May nakatakda aniyang pakikipagpulong ang pangulo kay Israeli Prime Minister Benjamin “Bibi” Netanyahu at President Reuven Rivlin, at maging sa Filipno community.
Ayon kay Roque, target ng pagbisita ng pangulo na mapaigting pa ang ugnayan ng Pilipinas at Israel lalo na sa larangan ng pagnenegosyo at iba pa.
Sinabi pa ni Roque na huling bumisita ang presidente ng pilipinas sa Israel may animnapu’t isang taon na ang nakaraan.
Pagkatapos sa Israel, bibisita rin aniya ang pangulo sa Jordan.
Gayunman, wala pang petsa ang pagbiyahe ng pangulo sa Jordan.
Ayon kay Roque sa buwan din ng Setyembre maaring bumiyahe ang pangulo sa Kuwait para personal na magpasalamat sa maayos na pagtrato sa mga Overseas Filipino Worker.
Gayunman, ayon kay Roque inaayos pa ang skedyul ng pagbisita ng pangulo sa Kuwait.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.