Problema sa basura sa Metro Manila, emergency situation na – DENR

By Isa Avendaño-Umali August 14, 2018 - 01:33 PM

Kuha ni Ricky Brozas

Inamin ng isang opisyal ng Department of Environment and Natural Resources o DENR na maituturing nang “emergency situation” ang pagdami ng mga basura sa Metro Manila.

Ayon kay Benny Antiporda, Undersecretary for Solid Waste Management and Local Government Units Concerns, nakakabahala ang sangkaterbang basura na nakukulekta hanggang sa kasalukuyan, makaraan ang pananalasa ng Habagat sa Metro Manila.

Inihalimbawa ni Antiporda ang napakaraming basura na inanod ng malalaking alon ng Manila Bay patungong Roxas Boulevard noong nakalipas na pag-ulan.

Giit ng DENR Usec., kailangang matugunan na ang problema sa basura sa lalong madaling panahon lalo’t ang mga kalat na ito ay isa rin sa pangunahing rason ng malawakang pagbaha sa maraming lugar sa Metro Manila.

Apela nito sa local government units o LGUs, i-address na ang solid waste problems, at turuan din ang kani-kanilang mga constituent sa tamang pagtatapon ng mga basura.

Samantala, kinumpirma ni Antiporda na mayroong sisimulang proyekto ang DENR na tatawaging “Mga Batang Mag-iipon ng Basura” na hihimok sa mga kabataan na makipagtulungan din sa problema sa basura.

Sa naturang segregation project, ang mga bata ay mag-iipon ng mga basura na bibilhin ng mga junk shop, na dadalhin naman sa accredited recycling areas.

Magkakabaon na ang mga bata, makakatulong pa sila sa kalikasan, ani Antiporda.

Makakatuwang ng DENR sa proyekto ang mga eskwelahan at LGUs, at hinihimok din ang mga nasa pribadong sektor na tumulong.

TAGS: DENR, Garbage, manila, Metro Manila, DENR, Garbage, manila, Metro Manila

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.