2 arestado sa ilegal na droga sa Maynila

By Ricky Brozas August 14, 2018 - 12:48 PM

Arestado ang dalawang katao sa ikinasang operasyon ng Sta. Cruz Police Station-3 ng Manila Police District (MPD) kontral ilegal na droga.

Nangyari ang pag-aresto sa mga suspek sa along T. Alonzo at Lope de Vega Streets Brgy 314 Sta. Cruz, Manila.

Isang concerned citizen ang nagsumbong sa mga rumurondang pulis hinggil sa aktibidad ng dalawa sa loob ng nakaparadang tricycle sa naturang lugar.

Kinilala ang mga suspek na sina Margarette Alfaro, 24 anyos at Lemar Del Carmen, 40 anyos na pawang residente ng Sta. Cruz.

Nang sitahin ay nakuha ng mga otoridad sa dalawang suspek ang 2-piraso ng plastic sachet ng shabu.

Nakapiit na ngayon sa himpilan ng pulisya ang mga nadakip na suspek.

TAGS: drug suspects, manila, Radyo Inquirer, drug suspects, manila, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.