Pagsalakay sa isang quarry site sa San Mateo, Rizal inako ng NPA
Ang New People’s Army (NPA) umano ang nasa likod ng pagsalakay sa isang quarry site sa San Mateo, Rizal noong Linggo ng gabi.
Sa pahayag ng Narcisco Antazo Araminal Command ng NPA, 20 tauhan nila ang umatake sa Montel Rock Corp., sa Barangay Guitnang Bayan at sinalakay ang kumpanya sa loob ng dalawang oras.
Nangyari ang pagsalakay isang araw matapos tumama ang Habagat na nagresulta ng pagbaha sa Metro Manila at Rizal kung saan ang quarrying sa San Mateo at Rodriguez ang sinisisi ng mga residente.
Ayon sa rebeldeng grupo, sa ginawa nilang pagsalakay, sinunog nila ang aabot saw along truck, apat na backhoe, bulldozers, at loaders at dinisarmahan din nila ang mga security guard ng kumpanya.
Kinumpirma naman ni Supt. Vic Amante, San Mateo police chief, na 12 company vehicles ang winasak ng mga sumalakay na rebelde.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.