Wanda Teo at kapatid na sina Ben at Erwin Tulfo humarap sa pagdinig sa senado

By Donabelle Dominguez-Cargullo August 14, 2018 - 11:58 AM

Inquirer Photo | Marianne Bermudez

Humarap sa pagdinig ng senate blue ribbon committee si dating Tourism Sec. Wanda Tulfo-Teo kasama ang mga kapatid na sina Erwin at Ben Tulfo.

Ito ay para sumagot hinggil sa anomalya sa P60 million na advertisement deal ng DOT sa PTV-4.

Sa kaniyang opening statement, tinawag ni Teo na “incredible” ang mga alegasyon laban sa kaniya at itinanggi na mayrong iregularidad sa kasunduan.

Sinabi ni Teo na ang pagpasok ng DOT sa advertisement deal sa PTV-4 ay dumaan sa tamang proseso.

Kaya umano niyang sabihin ng diretsahan at may kumpiyansa na walang ilegal sa kontrata.

Una nang piunna ng Commission on Audit ang P60 million ad deal ng DOT sa PTV-4 partikular sa programa ni Ben Tulfo na kapatid ni Teo.

TAGS: ad deal, dot, ptv 4, Radyo Inquirer, ad deal, dot, ptv 4, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.