Chinese national arestado sa pananapak sa katrabaho

Arestado ang isang Chinese national dahil sa umano’y pagsapak sa katrabaho.

Ayon sa Pasay City police, sinapak ng isang Xiang Wentao, 28-anyos, si Dai Feng, 34-anyos matapos magkaroon ng pagtatalo sa loob ng kanilang opisina sa bahagi ng Macapagal Boulevard.

Ikinagalit umano ni Wentao ang pagbura ni Feng ng ilang computer files nito.

Dahil dito, nagtamo ng injury si Feng sa kaniyang kaliwang upper eyelid at kasalukuyang nagpapagamot sa Manila Doctors’ Hospital.

Iimbitahan ang suspek sa Pasay City Prosecutor’s Office para sa isasagawang inquest proceeding.

Napagbigay-alam na rin ng pulisya sa Chinese Embassy ang naturang insidente.

Read more...