Gulong ng eroplano pumutok pag-landing sa Dumaguete Airport; paliparan pansamantalang isinara

By Donabelle Dominguez-Cargullo August 14, 2018 - 10:24 AM

Isang eroplano ng Philippine Airlines ang naputukan ng gulong nang lumapag ito sa Dumaguete Airport, Martes (Aug. 14) ng umaga.

Sa abiso ng PAL, alas 6:24 ng umaga nang maganap ang insidente sangkot ang flight PR2541.

Pumutok umano ang gulong ng eroplano paglapag nito dahilan para bumara ito sa runway.

Ligtas namang naibaba ang lahat ng pasahero ng 156 seater na Airbus A320.

Habang hinihintay na mahatak ang eroplano ay nagpasya ang Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) na isara ang runway.

Dahil dito naapektuhan ang lahat ng biyahe na mula at patungong Dumaguete.

TAGS: dumaguete airport, flight advisory, PAL, Radyo Inquirer, dumaguete airport, flight advisory, PAL, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.