Magsasagawa ng motu propio investigation ang Kamara ngayong araw kaugnay sa nakalusot na mahigit sa P6.8B halaga ng shabu sa Bureau of Customs (BOC).
Ayon kay House Committee on Dangerous Drugs committee chairman at Surigao del Norte Rep. Robert Ace Barbers, ipinatawag nila ang mga opisyal ng opisyal ng Bureau of Customs (BOC) at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA).
Nilinaw naman ng kongresista na ang pagdinig ay katulad lamang ng ginawa nilang imbestigasyon noong nakaraang taon tungkol sa P6.4 bilyon shabu cargo na natagpuan sa isang warehouse sa Valenzuela City.
Ang kaibahan lamang anya nito ay ang shipment ng droga sa Valenzuela City ay nakuha habang dito sa P6.8 bilyon shabu ay nakapasok ang droga sa bansa subalit nawawala ayon sa PDEA kaya kailangan nila itong patunayan.